^

PSN Palaro

Emerson kumpiyansa sa talon ni EJ sa Tokyo Olympics

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pagdating na 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan ay umaasa si national head coach Emerson Obiena na maganda ang maipapakita ng kanyang anak na si pole vaulter Ernest John Obiena.

Ilang bigating international competitions na ang nasalihan ng 25-anyos na si Obiena bilang paghahanda sa nasabing quadrennial event na nakatakda sa Hul­yo 23 hanggang Agosto 8.

“Mag-fall into place iyong lahat ng mga ginawa nilang training,” wika ng national coach kay Obiena. “Iyong control sa ere. Iyong speed, iyong pasok niya doon sa runway, tapos magamit niya iyong pole na babagay doon sa run up na iyon.”

Tumapos si Obiena sa joint fifth place sa nakaraang Meeting Hauts-de-France Pas-de-Calais sa Arena Stade Couvert sa Lievin, France sa nilundag niyang 5.60 metro.

Nanggaling ang 6-foot-2 na si Obiena sa pagpitas sa gold medal ng ISTAF Indoor Meet sa Berlin at sa PSD Bank Indoor Meet sa Dortmund, Germany kung saan siya nagtala ng bagong Philippine record na 5.80m at 5.68m, ayon sa pagkakasunod.

Ilan sa mga nakakalaban ni Obiena sa mga sinasalihang torneo ay sina world record holder Armand Duplantis ng Sweden, 2016 Rio de Janeiro Olympics gold medalist Thiago Braz ng Brazil at 2012 Olympic champion Renaud Lavillenie ng France.

vuukle comment

OLYMPIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with