Curry ibinangon ang Warriors vs Spurs
SAN ANTONIO — Bumanat si Stephen Curry ng 32 points at winakasan ng Golden State Warriors ang three-game winning streak ng Spurs matapos kunin ang 114-91 panalo.
Tinapos ng Golden State (13-12) ang kanilang five-game losing slump sa San Antonio (14-11).
Pinamunuan ni Rudy Gay ang Spurs sa kanyang 17 points habang may 15 at tig-13 markers sina Trey Lyles, Keldon Johnson at Patty Mills, ayon sa pagkakasunod.
Sa Philadelphia, nagsumite si Joel Embiid ng 25 points sa 119-111 pagpapatumba ng 76ers (18-7) sa Sacramento Kings (12-12).
Sa Utah, nagpasabog si Donovan Mitchell ng 36 points para ihatid ang Jazz (20-5) sa 122-108 pagwawagi sa Boston Celtics (12-11).
Sa Miami, diniskaril nina Jimmy Butler at Bam Adebayo ang pagbabalik ni Derrick Rose sa New York sa 98-96 tagumpay ng Heat (10-14) laban sa Knicks (11-15).
Sa Portland, humakot si Damian Lillard ng 36 points, 5 boards at 2 assists para akayin ang Trail Blazers (13-10) sa 106-97 paggiba sa Orlando Magic (9-16).
Sa Detroit, kumamada si Jerami Grant ng career-high 32 points para tulungan ang Pistons (6-18) sa 122-111 pagpapaluhod sa Brooklyn Nets (14-12).
Sa New Orleans, kumolekta si reserve Josh Hart ng 20 points at career-high 17 rebounds para pagbidahan ang 130-101 paggulpi ng Pelicans (11-12) sa Houston Rockets (11-13).
- Latest