^

PSN Palaro

Catantan maningning ang debut

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Sa fencing event ng US NCAA Division 1

MANILA, Philippines — Nagsimula nang gumawa ng ingay si Pinay fencer Sam Catantan para sa Penn State University sa US NCAA Division 1.

Magkakasunod na tinalo ng 19-anyos na si Catantan ang kanyang tatlong nakaharap na fencers mula sa Duke University at University of North Carolina sa pagbubukas ng preliminary tournaments.

Hinugot ng Penn State si Catantan, ang 2019 Southeast Asian Games bronze medalist, matapos ang kanyang magandang ipinakita sa Junior World Fencing Championship sa Poland.

Sa nasabing torneo ay nakapasok si Catantan sa “Sweet 16” ng torneo kasunod ang kanyang gold medal performance sa Under-23 Asian competition para maging kauna-una­hang Pinay na nagreyna sa nasabing event.

Sa maganda niyang panimula sa preliminary round ng US NCAA Division 1 ay umaasa si Ca­tantan na makakapasok siya sa regional meet patungo sa main event na nakatakda sa Marso 25-28 sa Pennsylvania.

Noong 2019 SEA Ga­mes na pinamahalaan ng Pilipinas ay tumusok ang mga national fencers ng kabuuang dalawang gold, dalawang silver at pitong bronze medals para pumuwesto sa No. 3.

Nanguna sa fencing competition ang Singapore na may 4-3-6 gold, silver at bronze medals kasunod ang Vietnam (4-2-4).

vuukle comment

FENCING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with