^

PSN Palaro

Naturalization ni Kouame may linaw na

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Naturalization ni Kouame may linaw na
Angelo Kouame

MANILA, Philippines — Mas lalo nang nagliliwanag ang naturalization ni Ivorian Angelo Kouame para maging bahagi ng Gilas Pilipinas sa mga susunod na international tournaments.

Pasado na sa House Committee on Justice ang committee report na naglalayong bigyan ng Filipino citizenship si Kouame.

Muling isasalang ang bill sa House Plenary sa Lunes. Daraan pa ang bill sa second at third reading bago muling isalang sa final reading.

Sa oras na maaprubahan ang bill sa Kongreso at Senado, dadalhin na ito sa executive department kung saan nasa kamay na ni Pangulong Rodrigo Duterte kung aaprubahan ito.

Isinulong ni Antipolo 1st District Representative at Deputy Speaker Roberto “Robbie” Puno sa Kongreso ang House Bill (HB) No. 5951 para kay Kouame.

Si Sen. Sonny Angara naman ang nag-endorso ng Senate Bill (SB) No. 1892 para kay Kouame sa Senado.

Nagpasalamat si Kouame sa lahat ng tumu­tulong upang maipasa ang kanyang naturalization.

“Maraming salamat po,” anang 6-foot-10 na si Kouame na nagtala ng a­verages na 12.5 points, 11.8 rebounds, 2.9 blocks at 1.4 assists sa UAAP Season 82.

Nais ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na maipasa ang naturalization ni Kouame bago ang Agosto upang maging bahagi ito ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup proper na idaraos sa Jakarta, Indonesia.

Kasakuluyang nasa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna si Kouame para samahan ang Gilas Pilipinas pool sa training camp nito.

vuukle comment

ANGELO KOUAME

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with