^

PSN Palaro

Bani Jamra saludo kay Espejo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binigyang-pugay si outside hitter Marck Espejo ng koponan nitong Bani Jamra matapos ang kampanya nito sa Bahrain volleyball league.

Sa kanyang huling araw sa Bahrain, binigyan si Espejo ng token of appreciation ng Bani Jamra management.

Nabigyan pa ang 6’2 5-time UAAP MVP ng pagkakataon na masilayan ang Bani Jamra textile factory.

“Filipino professional Marck Espejo, a Bani Jamra player, has been honored by the club ma­nagement for completing his contract with the team,” ayon sa post ng Bani Jamra sa social media.

Bagama’t hindi nadala ni Espejo sa kampeonato ang Bani Jamra, malaki ang pasasalamat nito sa pawis na ibinuhos ng Pinoy spiker para makatulong sa koponan.

Nagtapos sa 4-9 ang rekord ng Bani Jamra.

Huling nasilayan sa aksyon si Espejo nang buhatin nito ang Bani Jamra sa 25- 22, 25-20, 17-25, 25-19 panalo kontra sa A’ali.

Ito ang ikatlong pagkakataon na nagsilbing import si Espejo sa ibang bansa.

Una na sa Oita Miyoshi sa Japan V.League at sa Visakha Volleyball Club sa 2020 Thailand League.

vuukle comment

MARCK ESPEJO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with