^

PSN Palaro

Sotto may basbas ng NBA G League

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Sotto may basbas ng NBA G League
Ayon kay Espaldon, nagpaalam si Sotto sa pamunuan ng liga na naka­kuha ng positibong sagot kaya’t masaya itong naglabas ng statement kamakalawa.
Twitter/Metro Classic

Sa Gilas Pilipinas stint

MANILA, Philippines — Walang aberya sa Gilas Pilipinas stint ni Kai Sotto sa FIBA Asia Cup Qualifiers sa susunod na buwan dahil may go signal ito mula sa NBA G League.

Kinumpirma ni East West Private Chief E­xe­cutive Officer Maria Espaldon na may basbas ng G League ang paglalaro ng 7-foot-3 Pinoy cager sa qualifiers na idaraos sa Clark, Pampanga.

Ayon kay Espaldon, nagpaalam si Sotto sa pamunuan ng liga na naka­kuha ng positibong sagot kaya’t masaya itong naglabas ng statement kamakalawa.

Inaasahang darating na sa Pilipinas si Sotto anumang araw ngayong linggo upang makasama ang Gilas pool sa training camp nito sa Inspire Sports Aca­demy sa Calamba, Laguna.

Nakikipag-usap na ang kampo ni Sotto sa Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para sa flight details nito.

Nakatakdang harapin ng Pilipinas ang South Korea sa Pebrero 18 at 22 at ang Indonesia sa Pebrero 20.

Ngunit matapos ang laban ng Gilas Pilipinas, ina­asahang lalarga agad pa-Amerika si Sotto sa Peb­rero 23 upang makasama ang Ignite sa kampanya nito sa G League.

Pagdating sa Amerika, sasailalim pa sa swab test at quarantine si Sotto bago tuluyang makasama ang kanyang koponan.

Hindi mahigpit ang G League sa mga usapin sa national team.

Magugunitang pinahintulutan nito si Princepal Singh na lumaro para sa Indian national basketball team sa second window ng qualifiers noong Nobyembre.

Excited na ang lahat sa pagdating ni Sotto sa Pilipinas.

Mismong si second window Gilas Pilipinas head coach Jong Uichico ay sabik nang makita ang improvement ni Sotto na sumailalim sa matinding pagsasanay kasama ang mga beteranong NBA pla­yers at coaches.

Makakasama ni Sotto sa Calambubble ang Gilas Cadets gayundin ang mga PBA players na nagkumpirma ng partisipasyon sa third window.

Isa si Sotto sa mga hinuhubog para sa 2023 FIBA World Cup na idaraos sa Pilipinas kasama ang Japan at Indonesia bilang co-hosts.

vuukle comment

KAI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with