^

PSN Palaro

McGregor-Poirier fight panonoorin ni Pacquiao

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
McGregor-Poirier fight panonoorin ni Pacquiao
Nakatakdang harapin ni McGregor si Poirier sa UFC 257 sa Fight Island sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

MANILA, Philippines — Manonood si eight-division world champion Manny Pacquiao sa laban ni Ultimate Fighting Championship (UFC) superstar McGregor laban kay Dustin Poirier sa Linggo.

Nakatakdang harapin ni McGregor si Poirier sa UFC 257 sa Fight Island sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Matapos ang laban, inaasahang ikakasa na ang bakbakan nina Pacquiao at McGregor na target na idaos sa Abril o Mayo sa Middle East.

Kaya naman nais ng kampo ni Pacquiao na mapanood ang galawan ni McGregor sa kanyang UFC fight.

Mismong si Jayko Joson, ang special assistant ni Pacquiao, ang nagkumpirma na nakakuha na ng pay-per-view ang Pinoy champion para sa McGregor-Poirier fight.

Manonood ito sa kanyang tahanan sa Dasmariñas Village sa Makati City.

Bukas na bukas na sa publiko ang posibilidad na matuloy ang Pacquiao-McGregor bout.

Hindi itinatanggi ng parehong kampo ang naturang mga balita.

Sa katunayan, inihayag ng kampo ni McGregor na ilang hakbang na lamang ang kailangan para maipormalisa ang laban.

Ngunit wala pang linaw kung itataya ni Pacquiao ang kanyang World Boxing Association (WBA) welterweight belt.

Nagdeklara si McGre­gor na puntirya nitong makakuha ng boxing crown at kung papalarin ay laban kay Pacquiao.

Wala pang inilalabas na statement ang WBA kung pahihintulutan ito.

vuukle comment

CONOR MCGREGOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with