^

PSN Palaro

Sotto sasabak sa FIBA ACQ 3rd window

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Sotto sasabak sa FIBA ACQ 3rd window
Kai Sotto
STAR/ File

MANILA, Philippines — Ginulantang ni Kai Sotto ang buong sambayanan nang ihayag nitong babalik ito sa Pilipinas upang maglaro sa Gilas Pilipinas sa FIBA AsiaCup Quali­fiers third window na idaraos sa Clark, Pampanga.

Sa kanyang post na may temang “Love of Country! Let’s Go!” sa social media, isiniwalat ni Sotto na nakatakda itong dumating sa bansa para makasama ang Gilas Pilipinas pool sa training camp nito sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

“I’m heading home soon. Sobrang excited ako na binigyan ng opportunity para makapaglaro sa Gilas ngayong February window,” ani Sotto.

Sa pagbabalik ni Sotto sa Pilipinas, malinaw na hindi ito makakasama ng Ignite sa unang bahagi ng NBA G League na nakatakda ring magsimula sa susunod na buwan.

Wala pang linaw kung buong season ang mami-miss ng 7-foot-3 Pinoy cager o nakatakda itong bumalik sa Amerika para makasama ang Ignite.

Papasok sa bubble ang NBA G League kaya’t inaasahang sasailalim pa ito sa swab testing at qua­rantine procedure bago makapasok sa bubble sa Orlando, Florida.

Gayunpaman, excited na si Sotto na makasama ang iba pang miyembro ng pool at makapaglaro suot ang Gilas Pilipinas jersey sa seniors division.

“Nagpapasalamat ako sa lahat ng sumusuporta at naniniwala sa aking pangarap na makapaglaro para sa bayan at sa tamang panahon, sa NBA,” ani Sotto.

Nangako ang dating A­teneo High School standout na ibubuhos nito ang lahat upang suklian ang lahat ng mga taong sumusuporta sa kanya.

Malaking tulong si Sotto sa Gilas partikular na sa center position.

Malaki na rin ang improvement nito sapul nang sumabak ito sa pukpukang training sa Ignite kung saan ginagabayan ito ng mga beteranong coaches at trai­ners sa pangunguna ni da­ting NBA player Brian Shaw — ang head coach ng Ignite.

Makakasagupa ng Gilas sa third window ang South Korea — dalawang beses sa Pebrero 18 at 22 at Indonesia sa Pebrero 20.

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Gilas para maipormalisa ang pagpasok nito sa FIBA Asia Cup proper na idaraos sa Agosto sa Jakarta, Indonesia.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with