^

PSN Palaro

Estilo ni Pacquiao pinag-aaralan na ni McGregor

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Estilo ni Pacquiao pinag-aaralan na ni McGregor
Manny Pacquiao
STAR/ File

MANILA, Philippines — Ngayon pa lang, naghahanda na si Ultimate Figh­ting Championship (UFC) superstar Conor McGregor para sa ikinakasang laban nito kay eight-division world champion Manny Pacquiao.

Sa katunayan, sumasalang na si McGregor sa sparring session laban sa mga kaliweteng boksingero gaya ni Pacquiao.

Sinasanay na nito ang kanyang sarili sa pagharap sa mga sparmates na may estilong maihahalintulad sa Pinoy boxing legend.

Maliban sa mga southpaw boxers, kumukuha rin ito ng sparring mates na kasing taas ni Pacquiao.

“I have been fighting professional boxers in the gym, sparring with southpaw bo­xers in the gym in preparation not just for Dustin but Manny. I’ve had shorter 5’5 rockets coming at me, you know what I mean,” wika ni McGregor sa panayam ng sports.net.ca.

Mismong si McGregor na ang nagkumpirma na halos selyado na ang nakatakdang pakikipagtuos nito kay Pacquiao.

Inaasahang ilalatag na ang lahat sa oras na makatapos ang laban nito kay Dustin Poirier na gaganapin sa Linggo sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Abot-kamay na ang Pacquiao-McGregor fight na inaasahang tatabo sa takilya lalo pa’t pareho namang interesado ang magkabilang kampo para matuloy ito.

Planong idaos ang laban sa Middle East sa Abril o Mayo ng taong ito.

Ang McGregor fight ay isa lamang sa dalawang big bouts na target ng kampo ni Pacquiao sa 2021.

vuukle comment

UFC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with