Pacers bagsak sa Clippers
Clarkson bumida sa panalo ng Jazz sa nuggets
LOS ANGELES — Tumipa si reserve Marcus Morris Sr. ng season-high na 20 points para pamunuan ang pito pang Clippers players sa 129-96 pagpapatumba sa Indiana Pacers at makisosyo sa ikalawang puwesto sa Western Conference.
Nagdagdag si Luke Kennard ng mga season highs na 20 points at limang three-pointers habang may 20 at 17 markers sina Paul George at Kawhi Leonard, ayon sa pagkakasunod.
May 9-4 record ngayon ang Clippers para makatabla ang Utah Jazz sa ikalawang posisyon sa ilalim ng nagdedepensang Los Angeles Lakers (11-3).
Nahulog naman ang Pacers sa 8-4 baraha.
Sa Denver, umiskor si Fil-Am guard Jordan Clarkson ng 23 points at may 18 markers si star guard Donovan Mitchell sa 109-105 pagtakas ng Jazz (9-4) laban sa Nuggets (6-7).
Kumolekta si center Nikola Jokic ng 35 points, 14 rebounds at 9 assists para sa Denver habang may 30 markers si Jamal Murray.
Sa Dallas, nagposte si center Lauri Markkanen ng 29 points at 10 rebounds at humugot si Garrett Temple ng 15 sa kanyang season-high 21 points sa second quarter para sa 117-101 tagumpay ng Chicago Bulls (5-8) kontra sa Mavericks (6-6).
Inungusan ni Dallas star Luka Doncic si Michael Jordan sa career list sa kanyang ika-29 triple-double sa tinapos na 36 points, 16 rebounds at 15 assists.
Sa Boston, naglista si Julius Randle ng 20 points at 12 rebounds at nagsumite ng 19 markers at 11 boards si RJ Barrett para sa 105-75 pagbugbog ng New York Knicks (6-8) sa Celtics (8-4).
Sa Sacramento, nagsalansan si Zion Williamson ng 31 points, 6 rebounds at 2 assists sa 128-123 panalo ng New Orleans Pelicans (5-7) kontra sa Kings (5-9).
- Latest