^

PSN Palaro

Gilas Pilipinas pool nagpapakundisyon na

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Gumugulong na ang ensayo ng Gilas Pilipinas pool na naghahanda para sa FIBA Asia Cup Qualifiers na idaraos sa susunod na buwan sa Clark, Pampanga.

Magagaan na workouts muna ang pinagdaraanan ng Gilas upang hindi mabigla ang mga katawan nito dahil galing ang lahat sa mahabang bakasyon sa holiday season.

Kaya naman ayaw ng coaching staff na mabigla ang mga ito at maging maayos ang conditioning sa loob ng Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

“We’re trying to get in shape,” ani second window head coach Jong Uichico na kasama sa Calambubble si Samahang Basketbol ng Pilipinas program director Tab Baldwin at mga assistant coaches.

Bahagi rin ng aktibidad ng Gilas pool sa loob ng bubble ang pagrereview sa mga nakalipas na mga laro ng Gilas sa second window.

Pinag-aaralan din ng coaching staff ang laro ng mga teams na makakalaban nito gaya ng Indonesia na magpaparada ng naturalized player at American-Indonesian cager sa third window.

“We are reviewing things that we did last window (in Manama, Bahrain),” dagdag ni Uichico.

Inaasahang mas magiging matindi ang intensity ng ensayo ng Gilas pool sa oras na dumating na sa bubble ang iba pang players mula sa PBA.

Anumang araw ngayong linggo ay posibleng isa-isa nang magdatingan sa Calamba ang mga inimbitahang PBA players.

Nauna nang pumasok ang Gilas Cadets kasama si NLEX standout Kiefer Ravena noong nakaraang linggo habang sumunod naman sina CJ Perez ng Terrafirma at Justin Chua ng Phoenix.

Kasama rin ng tropa si Ivorian Angelo Kouame na kasalukuyang naka­proseso ang naturalization para sa mga susunod na international tournaments na lalahukan ng Gilas Pilipinas.

Umaasa si Uichico na malaki ang natutunan ng Gilas Cadets sa second window partikular na sa mga baguhang miyembro ng tropa.

“The young ones are already tested (during the second window). Na-experience na nila lumaban sa international competitions,” ani Uichico. 

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with