^

PSN Palaro

McGregor, Spence nasa radar ni Pacquiao

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
McGregor, Spence nasa radar ni Pacquiao
Conor McGregor
John Gurzinksi/AFP

Sa pagbabalik-aksyon sa 2021

MANILA, Philippines — Dalawang pangalan ang numero unong nasa listahan ni eight-division world champion Manny Pacquiao sa planong pagbabalik-aksyon nito sa taong ito.

Nangunguna na si Ultimate Fighting Championship superstar Conor McGregor gayundin si reigning International Boxing Federation (IBF) at World Boxing Council (WBC) welterweight champion Errol Spence na parehong desididong makasagupa ang Pinoy champion sa isang mega fight.

Hindi nakasabak si Pacquiao - ang nagmamay-ari ng World Boxing Association (WBA) welterweight belt - noong nakaraang taon dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Kaya naman isang magarbong laban ang ikinakasa ng kampo nito kabilang na ang nilulutong pakikipagtuos kay McGregor.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang interes ng kampo ni Pacquiao na nauna nang naglabas ng statement noong nakaraang taon na handa itong sagupain si McGregor.

Nagbigay pa ito ng kundisyon na kailangang co-promoter ang Pac Sports and Entertainment na binuo ni Pacquiao. Target na ikasa ang Pacquiao-McGregor fight sa Middle East.

Maliban kay McGregor, handa si Pacquiao na makuha ang unification bout kontra kay Spence.

Napanood ni Pacquiao ang laban ni Spence nang makuha nito ang unanimous decision win kay Danny Garcia para matagum-pay na madepensahan ang WBC at IBF belts no-ong Disyembre.

vuukle comment

CONOR MCGREGOR

ERROL SPENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with