^

PSN Palaro

AIMAG, Asian Beach Games iniurong

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magkakaroon na ng sapat na panahon ang mga national athletes na tutukan ang kanilang preparasyon para sa dalawang malaking torneo ngayong taon.

Ito ay matapos magdesisyon ang mga organizers na iurong ang pagdaraos ng Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) at Asian Beach Games.

Nakatakda sana ang AIMAG sa Mayo 21 hanggang 30 bago ito iatras sa Enero o Hunyo ng susunod na taon dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ipapakilala sana sa 2021 edisyon ng AIMAG ang mga non-martial events kagaya ng badminton, BMX, cycling, cheerleading, floorball, indoor rowing, netball, shooting at volleyball.

Katulad ng AIMAG ay naapektuhan din ng COVID-19 pandemic ang pagsasagawa ng Asian Beach Games na inisyal na itinakda sa Abril 2-10, 2021 sa China.

Ngayon ay magkakaroon na ng sapat na panahon ang mga national athletes na paghandaan ang 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8 at ang 31st Southeast Asian Games sa Hanoi Vietnam sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2.

Tanging sina pole vaul­ter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno pa lamang ang mayroong Olympic ticket.

vuukle comment

MARTIAL ARTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with