Women’s baseball team gusto ring pumasok sa ‘Calambubble’
MANILA, Philippines — Para sa posibleng pagdaraos ng Women’s World Cup sa Marso sa Mexico ay kailangan nang maghanda ang national women’s baseball team.
Sinabi kahapon ni Philippine Amateur Baseball Association (PABA) vice-president Boy Tingzon na sumulat na sila kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez para sa pagsasanay ng mga Pinay clouters sa loob ng ‘bubble’ sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.
“We are studying different protocols which we will present to the PSC to allow us to be able to prepare in the midst of this pandemic,” ani Tingzon sa webcast edition ng Philippine Sportswriters Associationv (PSA) Forum.
Sinulatan na ni PABA president Chito Loyzaga si Ramirez para sa pagpasok ng national women’s at men’s squads sa ‘Calambubble’.
Iniatras ang pagsasagawa ng Women’s World Cup, unang itinakda noong Nobyembre, dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Nagpulong kamakalawa ang international baseball federation para sa pagdaraos ng World Cup sa gitna ng pandemya.
Nakamit ng mga Pinay clouters ang World Cup berth makaraang sikwatin ang bronze medal sa 2019 Women’s Baseball Asian Cup noong Nobyembre sa Guangdong, China.
- Latest