^

PSN Palaro

Manuel ayaw na talaga sa Alaska— Espiritu

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Manuel ayaw na talaga sa Alaska� Espiritu
Vic Manuel
STAR/ File

MANILA, Philippines — Desidido si Vic Manuel na layasan na ang kampo ng Alaska sa kabila ng dibdibang pakikipag-usap nito kay Aces head coach Jeffrey Cariaso.

Ito ang ikinuwento ni Danny Espiritu — ang agent ng Alaska forward — kung saan iginiit ni Manuel na gusto na nitong lisanin ang Alaska.

Humiling ito kay Espiritu na mai-trade na sa ibang koponan upang doon simulan ang kanyang bagong career.

Umabot sa mahigit dalawang oras ang usapan nina Manuel at Cariaso ngunit walang naging solidong naisara sa bagong kontrata ng player.

“Sabi niya (Manuel), Anong pipirma? Sabi ko, ayaw ko nang maglaro sa Alaska at mag-secure na kayo ng trade. Ayoko na talaga maglaro sa Alaska. Wala na talaga,” kuwento ni Espiritu sa programang The Chasedown.

Nag-ugat ang lahat nang ilatag ng pamunuan ng Alaska ang two-year maximum deal kung saan team-option na ang second year ng contract para kay Manuel.

Bagama’t ipinaliwanag ito ni Cariaso, hindi ito nagustuhan ni Manuel.

“The reason behind the clause is completely explained to Vic and which like any other clause considers player’s history with the team,” ani Cariaso sa kanyang statement.

Ilang mga koponan ang nabanggit sa mga posibleng lipatan ni Manuel.

Nangunguna sa lista­han nito ang Phoenix para makasama ang kanyang kaibigang si Calvin Abueva.

“Phoenix siyempre kasi best friend niya si Calvin e. Sa bubble nga nagkakalokohan sila na magpalit sila ng jersey,” ani Espiritu.

Sinabi pa ni Espiritu na interesado rin sa serbisyo ni Manuel ang NLEX at San Miguel Beer.

Ngunit nakasalalay ang lahat sa magiging trade ng Alaska at ng ibang interesadong koponan.

“Ang rights ng pagte-trade ay rights ng team. Hindi kami ang gumagawa ng trade. Kahit na anong gawin namin tapos ayaw n’yo naman, wala naman mangyayari,” dagdag ni Espiritu.

vuukle comment

ACES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with