^

PSN Palaro

Bubble ‘di na kailangan kung may vaccine na — PBA

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Bubble �di na kailangan kung may vaccine na � PBA
PBA Commissioner Willie Marcial
STAR/File

MANILA, Philippines — Hindi na kakailanganin pang pumasok sa bubble ang Philippine Basketball Association (PBA) sa oras na makakuha ang liga ng vaccine na tanging sagot sa coronavirus disease (COVID-19).

Ito ang inihayag ni PBA commissioner Willie Marcial sa lingguhang Tabloid Organizations in Philippine Sports (TOPS) forum kahapon kung saan optimistiko itong magiging matagumpay ang vaccination para labanan ang coronavirus.

“Kung may vaccine na, hindi na kailangan pa ng bubble,” ani Marcial.

Handa ang PBA na gumastos para makakuha ng vaccine para sa lahat ng players, coaches at officials ng liga.

Target din ng PBA na makakuha ng vaccine para mai-donate ito sa mga na­ngangailangan lalo na sa mga mahihirap at walang kakayahang bumili ng vaccine.

Makikipag-ugnayan ang PBA sa iba’t ibang sa­ngay ng gobyerno kung ano ang magiging pro­seso para makakuha ng vaccine.

“If the government permits us, we will buy the vaccines. The PBA also wants to donate the vaccines to economically challenged and aged people. We will coordinate with the LGUs to determine those who will receive the vaccines,” ani Marcial.

Hihintayin lamang ng PBA ang magiging sagot ng national government sa kung paano ang pagkuha/pag-order ng vaccine dahil alam ni Marcial na may prayoridad ang pamahalaan na dapat unahin sa vaccine kabilang na ang mga frontliners.

Sa oras na maging ma­ayos na ang vaccine, plano ng PBA na magkaroon ng 40 hanggang 50 percent na live audience sa venue upang bigyan ng kasiyahan ang mga fans na makapanood.

Nilinaw naman ni Marcial na sakaling hindi maplantsa ang pagkuha ng vaccine, babalik ito sa bubble setup para maituloy ang Season 46 na target simulan sa Abril.

Isa sa plano ang closed circuit setup bubble na home-venue-home, home-gym-home setup na mas maluwag sa nauna nang Clark bubble noong Philippine Cup.

vuukle comment

PBA

WILLIE MARCIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with