Tolentino kumpiyansa sa tsansa ng mga atleta
Para sa unang Olympic gold
MANILA, Philippines — Sinasabing ito na ang edisyon ng Olympic Games na may pinakamalakas na tsansa ang mga Pinoy athletes na makopo ang kauna-unahang gold medal ng Pilipinas.
Naniniwala si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino na isa kina gymnast Carlos Edriel Yulo, pole vaulter Ernest John Obiena at boxers Eumir Marcial at Irish Magno ang makakasikwat ng inaasam na Olympic gold medal ng bansa.
“For this year, the wish not only for myself but for the entire POC, is that we’re praying for the first Olympic gold for the Philippines,” wika ni Tolentino.
May 11 pang national athletes ang inaasahan ng POC chief na makakasama nina Yulo, Obiena, Marcial at Magno sa 2021 Olympics na idaraos sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.
Kabilang dito sina 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist Hidilyn Diaz (weightlifting), 2019 World Championships gold medal winner Nesthy Petecio, Southeast Asian Games queen Kiyomi Watanabe (judo) at 2018 Asian Games gold medalist Margielyn Didal.
- Latest