Slaughter nag-sorry sa SMC
MANILA, Philippines — Humingi ng tawad si Greg Slaughter sa pamunuan ng San Miguel Corporation na inaasahang magiging susi upang makabalik na ito sa Barangay Ginebra sa pagbubukas ng PBA Season 46 sa Abril.
Inilabas ni Slaughter ang statement sa social media kung saan nag-sorry ito kina SMC president Ramon Ang at sports director Alfrancis Chua.
“I want to apologize to them and the rest of management for any misunderstanding or bad feelings that may have occurred because of my decision,” ani Slaughter.
Nais ni Slaughter na magkaroon ng bagong simula sa pagpasok ng 2021 kasama ang Barangay Ginebra na naging tahanan nito sa kanyang buong professional basketball career.
“My only regret is that the communication between myself and management, particularly Boss RSA and Coach Al Francis Chua, did not go as smoothly as I would have wanted,” ani Slaughter.
Magugunitang hindi na-renew ang kontrata ni Slaughter noong Pebrero at nagdesisyon itong magpahinga sa Amerika bago bumalik sa Pilipinas noong Oktubre.
“(It) was purely to improve myself both as a person and as a basketball player,” ani Slaughter.
Mismong si head coach Tim Cone na ang nagsabing nais nitong makabalik sa Gin Kings si Slaughter para sa kanilang title defense ng Philippine Cup.
Ayaw muna ni Chua na pag-usapan ang isyu na inaasahang matatalakay na matapos ang holiday season.
Wala itong sama ng loob kay Slaughter.
“There is no bad blood. I think he’s mature enough to realize that what he did is wrong,” ani Chua.
- Latest