^

PSN Palaro

Davis, Lakers hiniya ang Mavs sa balwarte

Pilipino Star Ngayon
Davis, Lakers hiniya ang Mavs sa balwarte
Nagsalpak ng dunk shot si Anthony Davis.

James tumalon sa no. 2 sa NBA christmas day scoring list

LOS ANGELES - Kasabay ng pagtatala ng unang panalo ng defen­ding champions Lakers sa season ay umakyat si LeBron James sa pagiging ikalawang second-leading Christmas Day scorer sa NBA history.

Nagsalpak si Anthony Davis ng 28 points habang may 22 markers si James para sa 138-115 pananaig ng Lakers sa bisitang Dallas Mavericks kahapon.

Tumaas sa ikalawang silya si James sa likod ni Kobe Bryant para sa most points scored sa Christmas Day game at inungusan si Oscar Robertson.

Umiskor naman si Montrezl Harrell ng 17 sa kanyang 22 points sa se-cond half habang may 18 markers at 6 assists si Dennis Schroder para sa Los Angeles.

Binanderahan ni Luka Doncic ang Dallas sa kanyang 27 points at 7 assists at may tig-17 markers sina Josh Richardson at Trey Burke.

Sa Miami, kumonekta si Duncan Robinson ng pitong three-pointers para sa kanyang 23 points at inihatid ang Heat sa 111-98 panalo laban sa New Orleans Pelicans.

Nagdagdag si Goran Dragic ng 18 points habang may 17 at 12 mar­kers sina Bam Adebayo at Avery Bradley, ayon sa pagkakasunod, para sa 8-0 record ng Miami sa Christmas Day.

Sa Boston, nagpasabog si Kyrie Irving ng 37 points at 8 assists kasunod ang 29 markers ni Kevin Durant para ihatid ang Brooklyn Nets sa 123-95 paggupo sa Celtics.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Brooklyn.

Pinangunahan ni Jaylen Brown ang Boston sa kanyang 27 points at 8 rebounds at may 20 mar­kers ni Jayson Tatum.

Sa Milwaukee, naglista si Khris Middleton ng 31 points para sa 138-99 pag­lampaso ng Bucks sa Golden State Warriors.

Humakot si Giannis Antetokounmpo ng 15 points at 13 rebounds para sa Milwaukee.

Naglista si Stephen Curry ng 19 points para sa Golden State at may 18, 12 at tig-11 markers sina rookie James Wiseman, Andrew Wiggins, Jordan Poole at Brad Wanamaker, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

ANTHONY DAVIS

LAKERS

LEBRON JAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with