^

PSN Palaro

Ancajas ipinagtanggol si Gaballo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Ancajas ipinagtanggol si Gaballo
IBF super flyweight champion Jerwin Ancajas

MANILA, Philippines — Dumepensa si International Boxing Federation (IBF) super flyweight champion Jerwin Ancajas para ipagtanggol si Reymart Gaballo na binabatikos sa kanyang pagkakapanalo ng interim World Boxing Council (WBC) bantamweight title.

Magugunitang matamis na nakuha ni Gaballo ang interim WBC crown nang kubrahin nito ang split decision win kontra kay Puerto Rican Emmanuel Rodriguez noong Linggo sa Mohegan Sun Arena sa Uncasville, Connecticut.

Napanood ni Ancajas ang laban at alam nito ang pasikut-sikot sa mundo ng professional boxing.

Ipinaliwanag ni Ancajas na may sapat na dahilan ang mga hurado sa naging desisyon nito sa pagbibigay ng panalo sa kababayang boksingero.

Nagsilbing malakas na armas ni Gaballo ang ipinamalas nitong kakaibang tapang sa buong panahon ng 12-round fight kung saan mas naging agresibo ito para makuha ang boto ng dalawa sa tatlong judges.

“Yung tapang ang nagdala sa kanya (sa panalo). Talagang sumugod si Reymart sa buong panahon ng laban hindi siya nagpakita ng takot, inilabas niya talaga ‘yung lakas niya,” ani Ancajas.

Kasama ni Ancajas na nanood ng laban sina Tokyo Olympics qualifier Eumir Felix Marcial gayundin ang kapwa boxers na sina Mark Magsayo at Jonas Sultan.

Napansin din ni Ancajas ang strategy ni Rodriguez na tila takot sumugod at matiyempuhan — bagay na posibleng naging mitsa ng kanyang pagkatalo.

“Parang takot siya (Rod­riguez),” ani Ancajas.

Marami ang pumuna sa naging desisyon ng mga hurado kung saan mas deserving daw na manalo ang Puerto Rican fighter.

Mismong si Rodriguez ay hindi makapaniwala sa resulta ng laban kaya’t dadalhin nito ang apela sa mga kinauukulan.

vuukle comment

JERWIN ANCAJAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with