^

PSN Palaro

Baltazar balik-La Salle o diretso pro na?

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Baltazar balik-La Salle o diretso pro na?
Justine Baltazar
Philstar.com/Erwin Cagadas

MANILA, Philippines — Nahaharap sa matinding desisyon si Gilas Pilipinas standout Justine Baltazar kung mananatili ito sa De La Salle University o tuluyan nang tatawid sa pro ranks.

May isang taong playing eligibility pa si Baltazar sa kampo ng Green Archers kaya’t posibleng masilayan pa ito sa UAAP Season 84 na papalo sa Setyembre.

Subalit nagsulputan ang ilang larawan kung saan kasama ni Baltazar sina Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) program director Tab Baldwin at Pampanga governor Delta Pineda.

Usap-usapan na sa social media na tila nagpapaalam si Baldwin upang makuha si Baltazar sa Gilas Draft.

Kasama si Baltazar sa Pampanga squad na hawak ni Pineda sa NBL.

Wala pang pormal na anunsiyo ang kampo ni Baltazar gayundin si Baldwin sa kung ano ang napag-usapan sa naturang meeting.

May bali-balita ring may imbitasyong natanggap si Baltazar para maglaro sa isang professional league sa labas ng Pilipinas.

Nakita ang husay ni Baltazar sa UAAP Season 82 kung saan nagtala ito ng impresibong averages na 15.14 points at 11.9 rebounds kada laro.

Bahagi rin si Baltazar ng Gilas Pilipinas na sumabak sa second window ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa Manama, Bahrain noong Nobyembre.

Isa sa mga posibleng maging desisyon ni Baltazar ang manatili sa La Salle para sa kanyang final year sa UAAP bago tuluyang tumuntong sa pro.

Ngunit dahil sa pagkakansela ng UAAP Season 83 dahil sa pandemya, posible rin na lumahok na lamang ang 23-anyos cager sa PBA Rookie Draft dahil sa Enero pa naman ang deadline ng pagsusumite ng aplikasyon o kaya naman ay tanggapin ang offer sa ibang bansa. 

vuukle comment

JUSTINE BALTAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with