^

PSN Palaro

Gilas pool sa 3rd window ilalabas next week—Panlilio

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gilas pool sa 3rd window ilalabas next week�Panlilio
Al Panlilio
STAR/File

MANILA, Philippines — Binubuo na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang Gilas Pilipinas pool na isasabak sa third window ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa Pebrero sa Clark, Pampanga.

Ayon kay SBP president Al Panlilio, inaasahang ilalabas na ang listahan sa susunod na linggo kung saan pinagpipilian na ng coaching staff ang mga PBA players na iimbitahan nito.

“We’d like to bring in some PBA players since this window seems to be a tough window for us. I’ll work with Coach Tab (Baldwin) Hopefully next week (mailabas na ang listahan),” ani Panlilio.

Bukas na bukas ang PBA sa pagpapahiram ng players lalo pa’t sa Abril pa magsisimula ang Season 46 ng liga.

Nakaabang lang si PBA commissioner Willie Marcial sa ilalabas na listahan ng SBP.

“Nag-uusap na kami, sabi ko sabihin agad para masabihan agad ang players. Basta sa players wala tayong problema,” ani Marcial.

Bago pumasok sa Clark, sasailalim sa matinding training camp ang Gilas Pilipinas sa loob ng bubble sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Ito ang parehong setup na ginamit ng Gilas Cadets bago ito sumalang sa second window sa Manama, Bahrain noong Nobyembre na nagresulta sa dalawang impresibong panalo kontra sa Thailand.

Tatakbo ang third window sa Pebrero 17 hanggang 22.

Magsasanib-puwersa ang lahat upang masiguro ng SBP ang matagumpay na pagtataguyod ng naturang event.

Maliban sa PBA, makakatuwang din ng SBP si NAP Against COVID-19 Deputy Chief Implementer at BCDA President/CEO Vince Dizon gayundin ang iba’t ibang sa­ngay ng gobyerno para matiyak na ligtas ang lahat.

vuukle comment

AL PANLILIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with