^

PSN Palaro

Panlilio kaakibat ng mga atleta

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Panlilio kaakibat ng mga atleta
Al Panlilio

MANILA, Philippines — Hangad ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio na maging magandang ehemplo sa mga atleta at opisyales ng iba’t ibang National Sports Associations (NSAs).

Sariwa pa si Panlilio sa pagkakapanalo bilang first vice-president ng Philippine Olympic Committee (POC).

At sa kanyang apat na taong termino, nais ni Panlilio na maging simbolo ng pag-asa partikular na sa pagtulong sa mga atletang nangangailangan.

“I’d like to be remembered as one of the ca­talysts that really tried to help our athletes, serve our athletes, give them the best support so they can compete internationally and give pride back to the Philippines,” ani Panlilio.

Pakay din ni Panlilio na maging magandang halimbawa sa iba pang NSA leaders na miyembro ng national Olympic committee dahil ang NSAs ang nangangalaga sa kapa­kanan ng mga atleta.

“There should be accountability, proper governance, putting professio­nalism into how we run the NSAs,” ani Panlilio.

Malaki ang bahagi ng mga NSAs leaders dahil ito ang pangunahing sinasandalan ng mga atleta sa bawat labang hinaharap ng mga ito.

Kaya naman kaila­ngan aniya na magkaroon ng magandang samahan ang pamunuan ng isang NSA at ng mga atleta nito upang maging maganda rin ang resulta ng kanilang programa.

Pangunahing pinaghahandaan ng mga atleta ang Olympic Games, ilang Olympic qualifying tournaments sa susunod na taon at ang 2021 Southeast Asian Games kung saan dedepensahan ng Pilipinas ang overall title nito.

vuukle comment

AL PANLILIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with