^

PSN Palaro

POC tutok na sa Tokyo Olympics, Hanoi SEAG

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
POC tutok na sa Tokyo Olympics, Hanoi SEAG
POC president Bambol Tolentino
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tapos na ang eleksiyon sa Philippine Olympic Committee (POC) kaya’t tapos na rin ang pamumulitika.

Sesentro na ang atensiyon ni POC president Bambol Tolentino sa dalawang malaking kampanyang lalahukan ng Team Philippines sa susunod na taon — ang Olympic Games sa Tokyo, Japan at Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Optimistiko si Tolentino na madaragdagan pa ang bilang ng mga Pinoy qualifiers sa Tokyo Olympics.

Sa kasalukuyan, apat pa lang ang awtomatikong may tiket sa Tokyo Games — sina boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno, SEA Games pole vault record holder Ernest John Obiena ng athletics, at world champion Carlos Edriel Yulo ng gymnastics.

Sa oras na makumpirma ang kanyang puwesto ng International Weightlifting Federation, magiging panlimang miyembro ng pambansang koponan sa Tokyo Olympics si Hidilyn Diaz na nakasikwat ng pilak noong 2016 Rio Olympics sa Brazil.

“I’m optimistic na madaragdagan pa ang qualifiers natin sa Tokyo Olympics dahil marami pa tayong atleta na may malakas na chance na mag-qualify,” ani Tolentino na kamakailan lamang ay nakakuha ng sariwang apat na taong termino matapos talunin si Clint Aranas ng archery sa eleksiyon.

May ilang boxers pa ang sasalang sa qualifying tournament gaya ni world champion Nesty Petecio gayundin ang mga atleta mula sa golf, taekwondo, karatedo at iba pang Olympic sports.

Desidido ang POC na tuldukan ang ilang dekadang pagkauhaw ng Pilipinas sa gintong medalya sa Olympics.

Pinaghahandaan din ng POC ang kampanya ng Pilipinas sa SEA Games sa Vietnam kung saan ipagtatanggol ng Team Philippines ang hawak nitong overall championship crown na napanalunan noong 2019 edisyon sa Maynila.

vuukle comment

BAMBOL TOLENTINO

POC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with