^

PSN Palaro

Pinoy rowers balik-ensayo na

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Pinoy rowers balik-ensayo na
Mabuti na lamang at mabilis na naitabi ng mga miyembro ng Philippine team ang kanilang mga ginagamit na training at competition boat bago dumating ang bagyo na nagpaapaw sa pinagsasanayan nilang La Mesa Dam sa Novaliches Reservoir sa Quezon City.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Isa ang mga national rowers na direktang naapektuhan nang rumagasa ang bagyong ‘Ulysses’ noong nakaraang buwan.

Mabuti na lamang at mabilis na naitabi ng mga miyembro ng Philippine team ang kanilang mga ginagamit na training at competition boat bago dumating ang bagyo na nagpaapaw sa pinagsasanayan nilang La Mesa Dam sa  Novaliches Reservoir sa Quezon City.

“Nang dumating ‘yung napakalakas na bagyong Ulysses napaghandaan naman namin, kaya secured ‘yung aming mga equipments,” litanya ni national head coach Edgardo Maerina sa Philippine Sports Commission (PSC) Hour.

Bahagi ang national rowing team ng overall cham­pionship ng Team Philippines sa 30th Southeast Asian Games noong Disyembre.

Sa rowing competition ng 2019 SEA Games na isinagawa sa Triboa Bay sa Subic, Zambales ay tatlong gintong medalya ang inihataw ng mga national athletes mula kina Cris Nievarez (men’s lightweight single sculls) at Melcah Jen Caballero (women’s lightweight single sculls) na nakipagtambal din kay Joanie Delgaco (women’s lightweight double sculls).

Sina Caballero, Nievarez at Delgaco ay nagha­hangad ng tiket sa 2021 Olympic Games sa T­okyo, Japan.

vuukle comment

PSC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with