^

PSN Palaro

Phoenix, Ginebra dikit na sa finals

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Phoenix, Ginebra dikit na sa finals
Tumipa ng jump shot si Phoenix big man Jason Perkins nang maiwanan si Ray Ray Parks Jr. ng TNT Tropang Giga.
PBA Image

MANILA, Philippines — Inihakbang ng Barangay Ginebra at Phoenix ang kanilang isang paa papasok sa PBA Finals.

Niresbakan ng Gin Kings ang Meralco Bolts, 91-84, at dinalawahan ng Fuel Masters ang TNT Tropang Giga, 92-89, sa Game Three ng kani-kanilang semifinals series sa 2020 PBA Philippine Cup kagabi sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

Kapwa itinayo ng Ginebra at Phoenix ang 2-1 bentahe laban sa Meralco at TNT sa kanilang mga best-of-five semis showdown.

Nagsumite si guard Stanley Pringle ng 24 points, 9 rebounds at 6 assists para pamunuan ang Gin Kings at nag-ambag sina Prince Caperal, LA Tenorio, Japeth Aguilar at Joe Devance ng 14, tig-12 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod.

Sa kabilang banda, tumipa si Matthew Wright ng 26 points tampok ang limang three-point shots para sa Fuel Masters habang humakot si Calvin Abueva ng 24  points, 14 rebounds, 6 assists, 4 steals at 1 block.

“Four days after sprai­ning my ankle it’s still really painful, it’s throbbing right now. I’m glad we have two days rest before the next game,” wika ni Wright sa kanyang natamong sprained right ankle sa Game One.

Kinuha ng Phoenix ang 71-61 abante sa third period bago nakadikit ang TNT sa 89-90 sa likod nina Ray Ray Parks Jr. at Troy Rosario sa natitirang 34 segundo ng fourth quarter.

Ang jumper ni Wright sa huling 22.6 segundo ang muling naglayo sa Fuel Masters sa 92-89.

Tumapos si Parks na may 19 points para sa Tropang Giga at may 16, 14 at 12 markers sina Simon Enciso, Rosario at Jasyon Castro, ayon sa pagkakasunod.

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Phoenix para sa kanilang kauna-unahang PBA Finals appearance.

“Like what I’ve said, we just wanna be the best version of ourselves,” sabi ni coach Topex Robinson, nakahugot kay Jason Perkins ng 11 points.

vuukle comment

GINEBRA

PBA

PHOENIX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with