^

PSN Palaro

Meralco rumesbak

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Meralco rumesbak
Sinakyan ni Japeth Aguilar ng Ginebra ang mga balikat ni Reynel Hugnatan ng Meralco.
PBA Image

MANILA, Philippines — Diniskaril ng Bolts ang paglapit ng Gin Kings sa PBA Finals.

Ito ay matapos resbakan ng Meralco ang Barangay Ginebra, 95-77, sa Game Two ng kanilang semifinals series sa 2020 PBA Philippine Cup kahapon sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

Bumangon ang Bolts mula sa 13-point deficit sa third period para itabla sa 1-1 ang kanilang best-of-five semis wars ng Gin Kings, sinikwat ang 96-79 panalo sa Game One noong Miyerkules.

Umiskor lamang ang Ginebra ng 25 points sa kabuuan ng second half matapos kunin ang 50-42 bentahe sa halftime dahil na rin sa paghihigpit sa depensa ng Meralco.

“We just talked about the fact that we could not go down 0-2 because we would have no chance of coming back into the series. So this game is very important for us,” sabi ni coach Norman Black.

Anim na Meralco players ang tumapos sa double-figures para makabangon mula sa 13-point deficit sa third quarter at itayo ang 18-point lead, 85-67, sa 5:14 minuto ng fourth quarter.

Lalo pa itong pinalaki ng Bolts sa 91-70 galing sa tirada ni Chris Newsome sa huling 2:33 minuto ng labanan na tuluyan nang nag-alis sa tsansa ng Gin Kings na makalapit.

Samantala, pinigilan  din ng Phoenix ang pag­lapit ng TNT Tropang Giga sa Finals.

Giniba ng Fuel Masters ang Tropang Giga, 110-103 sa Game Two ng kanilang semifinals series.

Nalampasan ng Phoenix ang hinataw na 41 points ni Ray Ray Parks  Jr. para ibigkis sa 1-1 ang kanilang best-of-five semifinals wars ng TNT,  itinakas ang 95-92 panalo sa Game One noong Miyerkules.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with