^

PSN Palaro

Pacquiao dedma sa hamon ni Crawford

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao dedma sa hamon ni Crawford
Pacquiao at Crawford
STAR/File

MANILA, Philippines — Wala munang panahon si eight-division world champion Manny Pacquiao sa usaping boxing sa ngayon kaya’t dedma lang ito sa hamon ni World Bo­xing Organization (WBO) welterweight champion Terence Crawford.

Sariwa pa si Crawford sa matamis na fourth-round knockout win kay British fighter Kell Brooks noong Linggo para mapanatili ang kanyang korona.

Matapos ang laban, agad na tinukoy ni Crawford ang reigning World Boxing Association (WBA) welterweight champion na si Pacquiao na sunod na target nito para sa isang unification bout.

Subalit hindi ito pinansin ni Pacquiao.

Mas nanaisin muna ng Pinoy champion na ituon ang kanyang atensyon sa pagtulong sa mga kababa-yan nito partikular na sa mga nasalanta ng dalawang ma-laking bagyong nagdaan.

Ayon kay Pacquiao, hindi ito ang tamang panahon para pag-usapan ang boxing dahil nasa gitna ng pagsubok ang milyun-milyong Pilipino na naapek­tuhan ng kaliwa’t kanang kalamidad kasabay pa ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

“Wala muna ‘yan sa mga iniisip ko ngayon dahil mas maraming bagay na kailangang iprioritize lalo na ang pagtulong sa mga kababayan natin,” ani Pacquiao.

Naniniwala si Pacquiao na bilang mambabatas ng bansa, mas kailangan siya ngayon ng mga Pilipinong nakaabang sa magiging tulong nito.

Iginiit ni Pacquiao na wala itong kinatatakutan at handa itong labanan sinuman ang iharap sa kanya.

May tamang panahon para pag-usapan ang professional career nito bilang boksingero subalit hiniling ni Pacquiao na bigyan muna ito ng pagkakataong maka-pagsilbi sa bayan.

vuukle comment

TERENCE CRAWFORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with