^

PSN Palaro

Naka-move on na ako!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Naka-move on na ako!
Calvin Abueva
STAR/File

Abueva tinuldukan na ang isyu

MANILA, Philippines — Tahimik na si Phoenix star Calvin Abueva matapos ang panibagong kontrobersiya nito kay Bobby Ray Parks Jr. ng Talk ’N Text Tropang Giga.

Mas minabuti ni Abueva na tuldukan na ang lahat at huwag nang magsalita pa upang hindi na lumaki pa ang isyu.

Para kay Abueva, kinalimutan na nito ang lahat ng nangyari sa nakalipas na pinagsisihan na nito at nakahingi na rin ng tawad.

“Ayoko na palakihin pa itong issue na ito. Tapos na itong issue na ito panibagong life na ito. Going forward na tayo kasi lahat ng ‘yun nasabi ko na, lahat ng ‘yun na-lesson na sa akin,” ani Abueva.

Nag-ugat ang lahat nang itanggi ni Parks ang ilang statement ni Abueva.

Sinabi umano ni Parks kay Abueva ang “it’s okay, keep up what you’re doing. I wish you’re gonna come back soon” na agad na pinabulaanan ng TNT player.

Ayaw nang magkomento pa ni Abueva sa isyu.

Para sa kanya, tapos na ito at nakapag-move on na siya.

“Kung ‘di pa rin makapag-move on, ako nakapag-move on na. No comment na ako sa mga isyu pang ganyan. Ayokong pumasok sa isyu pa dahil pag-uusapan kami sa social media,” ani Abueva.

Mas nanaisin ni Abueva na isentro na lamang ang kanyang isipan sa kasakuluyang kampanya ng Fuel Masters sa PBA Season 45 Philippine Cup sa Clark, Pampanga.

Pasok na sa quarterfinals ang Phoenix at ito ang mas naging tututukan ni Abueva sa halip na mga isyu.

“Mas magandang pag-usapan ‘yung mangyayri sa amin kung makakapasok kami sa finals o hindi. ‘Yung issue na yan tapos na,” ani Abueva.

vuukle comment

CALVIN ABUEVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with