^

PSN Palaro

Parks itinanggi ang sinabi ni Abueva

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Parks itinanggi ang sinabi ni Abueva
Calvin Abueva
STAR/File

Ano ba talaga Calvin?

MANILA, Philippines — Itinanggi ni Talk ’N Text guard Bobby Ray Parks Jr. ang ilang pahayag ni Phoenix star Calvin Abueva sa isang sports program.

Inamin ni Parks na nagkita sila ni Abueva sa loob ng bubble sa Quest Hotel sa Clark, Pampanga.

Ngunit nilinaw nitong wala siyang sinabing mensahe para kay Abueva.

Inilabas ni Parks ang saloobin nito sa kanyang Instagram story ngunit agad din itong tinanggal.

“Never in my life did I say “it’s okay, keep up what you’re doing. I wish you’re gonna come back soon,” ayon sa post ni Park.

Nilinaw din ni Parks na masaya ito sa comeback ni Abueva. Hindi lang nito nagustuhan ang umano’y walang katotohanang pahayag ng Phoenix player sa kanyang panayam.

“Look. I’m just pissed off that people would publish something that never came out of my mouth. I’m not mad about the comeback; I’m pissed off about damn life,” ayon pa sa post ni Parks.

Sa programang Sports Page ng Cignal TV, sinabi ni Abueva na nagbigay sa kanya ng mensahe si Parks na “sabi niya na it’s okay, keep up what you’re doing. I wish you’re gonna come back soon.”

Bagay na itinanggi ni Parks na sinabi niya kay Abueva.

Nag-ugat ang lahat noong nakaraang taon dahil sa hindi magandang inasal ni Abueva sa kasintahan ni Parks.

Humingi na ng tawad si Abueva sa lahat ng kanyang kasalanan kaya’t nabigyan ito ng pagkakataon na muling makapaglaro sa PBA Season 45 Philippine Cup.

vuukle comment

BOBBY RAY PARKS

CALVIN ABUEVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with