^

PSN Palaro

Naturalization ni Kouame nagliliwanag na

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Naturalization ni Kouame nagliliwanag na
Juan Gomez de Liaño
UAAP

MANILA, Philippines  — Mas lalong nagliwanag ang pag-asang makalaro na sa Gilas Pilipinas si Ivorian Angelo Kouame sa FIBA-sanctioned tournaments matapos makakuha ng solidong suporta mula sa mga mambabatas.

Mismong si Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) chairman at senador Sonny Angara na ang nagsulong sa senado upang mapabilis ang naturalization process ni Kouame.

Isinumite ni Angara ang Senate Bill 1892 upang iendorso si Kouame na maging naturalized player ng Gilas Pilipinas sa international tournaments na lalahukan nito.

Humanga si Angara sa dedikasyon ng 6-foot-11 na si Kouame na maging bahagi at tulungan ang Gilas Pilipinas sa kampanya nito.

Kasalukuyang nag-aaral si Kouame sa Ateneo de Manila University kung saan tinulungan na nito ang Blue Eagles sa ilang kampeonato sa UAAP.

“We have seen what Kouame has accomplished as a member of the Ateneo Blue Eagles in the past three years, and his game conti­nues to develop,” ani Angara.

Ito na ang ikalawang endorsement na nakuha ni Kouame matapos isulong ni Rep. Robbie Puno ang naturalization papers nito sa House of Representatives.

Umaasa ang SBP na aabot ang naturalization ni Kouame bago sumabak ang Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup Qualifiers na idaraos sa Manama, Bahrain sa susunod na buwan.

Kailangan ng SBP na makabuo ng solidong koponan para sa importanteng mga laro nito kontra sa South Korea at Thailand sa qualifiers.

vuukle comment

SBP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with