Nakasalalay sa desisyon ng UAAP
Pagbabalik ni GDL sa Up
MANILA, Philippines — Nakasalalay na sa kamay ng UAAP kung papayagan pa nitong makapaglaro si Juan Gomez de Liano para sa University of the Philippines (UP) sa mga darating na season ng liga.
Ito ay matapos masilayan si Gomez de Liano sa ilang Games and Amusements Board (GAB) sanctioned events gaya ng 3x3 President’s Cup.
Nilinaw ni GAB chairman Baham Mitra na tanging special guest license lamang ang ibinigay nito kay Gomez de Liano upang mapanatili ang status nito bilang amateur player.
Ipinagbabawal sa UAAP ang mga student-athletes nito na maglaro sa professional level habang naglalaro ito sa liga.
“We don’t want to impose on the UAAP and the NCAA cause they’re not under us. We respect them, we work with them and we look up to them,” ani Mitra sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum.
Ang 3x3 President’s Cup ay kabilang sa mga professional leagues na hinahawakan ng GAB.
Nasa ilalim din ng GAB ang Philippine Basketball Association at Philippines Football League.
May dalawang taon pang playing eligibility si Gomez de Liano para makapaglaro sa Fighting Maroons.
Subalit nanganganib itong hindi makapaglaro dahil sa posibleng paglabag sa UAAP rules.
Inaasahang matatalakay ito sa oras na masimulan na ang pagpupulong sa para sa pagbubukas ng UAAP Season 83.
- Latest