^

PSN Palaro

Valdez kay gumabao...

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Stay phenomenal!

MANILA, Philippines  — Bumuhos ang suporta kay volleyball star Michele Gumabao mula sa kanyang mga volleyball teammates at fans matapos ang kanyang second runner-up finish sa 2020 Miss Universe-Philippines.

Isa na rito si three-time UAAP MVP Alyssa Valdez na teammate nito sa Creamline Cool Smashers.

Matapos ang kumpetisyon, nagpost si Valdez ng larawan kasama si Gu­mabao sa kanyang kam­panya sa Premier Volleyball League (PVL) noong nakaraang taon.

“Stay phenomenal,” ayon sa post ni Valdez sa kanyang social media account.

Dating magkaribal sina Valdez at Gumabao sa mundo ng volleyball.

Naglaro para sa Ate­neo de Manila University  si Valdez habang mortal na karibal ng Lady Eagles ang La Salle University kung saan naging bahagi si Gumabao.

Makailang ulit na ring nagtapat ang dalawa sa PVL noong naglalaro pa si Gumabao para sa three-time PVL champion Pocari Sweat Lady Warriors.

Subalit lumipat si Gumabao sa Creamline noong 2018 para makasama si Valdez at ang Cool Smashers sa kampanya nito sa PVL.

Nagresulta ang kanilang tambalan sa tatlong kam­peonato — noong 2018 Reinforced Conference, 2018 Open Conference at 2019 Open Conference.

Kaya naman may malalim nang pinagsamahan sina Valdez at Gumabao sa loob at labas ng court.

Magugunitang naging judge pa si Valdez noong 2018 Binibining Pilipinas kung saan nasungkit ni Gumabao ang Binibining Pilipinas-Globe title.

Kaliwa’t kanan ang batikos na nalalasap ni Gumabao ngayon matapos akusahan ng pagiging bitter sa pagkatalo nito sa Miss Universe-Philippines kung saan itinuturing itong isa sa mga frontrunners.

Subalit nabigo ang lahat nang koronahang Miss Universe-Philippines ang Filipino-Indian beauty na si Rabiya Mateo ng Iloilo City.

 

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with