^

PSN Palaro

Guidelines sa varsity training paplantsahin ng TWG

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling magpupulong ngayong araw ang Technical Working Group (TWG) upang plantsahin ang guidelines sa pagbabalik-ensayo ng mga collegiate varsity teams.

Pamumunuan ang panibagong meeting ni Commission of Higher Education (CHED) chairman Popoy De Vera kasama ang kinatawan ng iba’t ibang collegiate leagues sa Pilipinas gaya ng UAAP at NCAA.

Ayon kay De Vera, tapos na ang public consultation kasama ang ilang unibersidad at kolehiyo para sa planong pagsisimula ng training sa collegiate teams.

Ngunit may mga kailangan pang ayusin para masiguro na makukuha ng TWG ang approval ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Nakasaad sa guidelines na maaari lamang makapagsimula ng ensayo ang mga collegiate teams kung papayag ito sa bubble setup.

Sa bubble setup para sa collegiate teams, kailangan na may dormitoryo at practice venue na gagamitin lamang ng mga nakalistang pangalan na isusumite ng bawat paaralan.

Hindi maaaring makihalubilo ang mga nakalista sa lineup sa general public.

Sakaling malayo ang dorm sa venue, kailangang magtalaga ang school ng exclusive transportation na maghahatid sa mga players - dorm-venue-dorm.

Ngunit ilang paaralan ang naglabas ng hinaing sa naturang setup partikular na ang mga maliliit na eskuwelahan na walang kapasidad dahil bahagyang mangangailangan ng pondo para rito.

Una na ang mga collegiate teams na walang dormitoryo para sa mga varsity players gayundin ang mga koponang walang sapat na pasilidad para sa lahat ng student-athletes nito.

Kaya naman inaasahang maayos ito sa oras na muling magpulong ang kumiteng nangangalaga sa kapakanan ng mga collegiate varsity teams.

vuukle comment

CHED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with