^

PSN Palaro

Gilas Pilipinas gahol na sa oras

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naghahabol na sa oras ang Gilas Pilipinas para sa nakatakdang pagsabak nito sa FIBA  Asia Cup Qualifiers sa susunod na buwan.

Kaya naman minamadali na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang lahat para agarang masimulan ang pagsasanay ng Gilas Pilipinas.

Wala pang lineup ang Gilas Pilipinas na isa sa mga pangunahing problema ng SBP.

May mga nakaabang naman na players ngunit kaila­ngan ng Pilipinas na makabuo ng solidong koponan para sa dalawang krusyal na laro kontra South Korea at Thailand.

Isa sa mga posibleng solusyon ni SBP program director Tab Baldwin ang naturalized player. Subalit alam nito na hindi ito magiging madali dahil mahabang proseso pa ang kakailanganin para maisakatuparan ito.

“There’s work that needs to be done with the applications but I can’t say anything else other than I’m hopeful, I just don’t know what the possibilities really are,” ani Baldwin.

Dalawang naturalization ang kasalukuyang pinoproseso.

Ito ay sina dating Justin Brownlee at Angelo Kouame na parehong sanay na sa sistema ng laro sa Pilipinas.

Makailang ulit nang naging import ng Barangay Ginebra si Brownlee sa PBA kung saan nagkampeon na ito noong 2016 Governors’ Cup, 2017 Govenors’ Cup, 2018 Commissioner’s Cup at 2019 Governors’ Cup.

Itinanghal na itong Best Import of the Conference noong 2018 Commissioner’s Cup.

Sa kabilang banda, miyembro si Kouame ng Ateneo de Manila University na kasalukuyang kampeon sa UAAP men’s basketball.

Pamilyar na si Kouame sa sistema ni Baldwin dahil miyembro ang American-Kiwi ng coaching staff ng Blue Eagles.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with