^

PSN Palaro

NLEX bagsak sa Blackwater

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
NLEX bagsak sa Blackwater
Niño Canaleta
Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Bagama’t nakakuha ng all-around game kay point guard Kiefer Ravena ay hindi pa rin nakaiwas ang NLEX sa kanilang ikatlong sunod na pagkatalo.

Humataw ang Blackwater Elite ng 35 points sa third quarter para paluhurin ang Road Warriors, 98-88, sa 2020 PBA Philippine Cup kahapon sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles City, Pampanga.

“It’s a combination of us playing well as a team, sha­ring the ball and the other team breaking down,” ani head coach Nash Racela.

Tumipa si Niño Canaleta ng 18 points kasama ang apat na three-point shots habang may 13 markers si guard Roi Sumang para sa 2-1 baraha ng Blackwater.

Nahulog naman sa 0-3 ang kartada ng NLEX, nakahugot kay Ravena ng 15 points, 8 rebounds, 7 assists at 4 steals.

Kumawala ang Elite sa third quarter kung saan sila nagpakawala ng 16-4 bomba sa pamumuno nina Sumang at Daquioag para iwanan ang Road Warriors sa 62-50 sa 7:15 minuto nito.

Hindi na binitawan ng Blackwater ang kanilang double-digit lead at lalo pang ibinaon ang NLEX sa 90-67 matapos isalpak ni big man Frank Golla ang isang three-point shot sa 8:32 minuto ng fourth period.

Ang triple ni Don Trollano ang nagpadyak sa 24-point advantage, 93-69, ng Elite sa huling 6:17 minuto ng labanan na hindi na naibaba ng Road  Warriors.

vuukle comment

NLEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with