^

PSN Palaro

UST nanindigan sa Sorsogon bubble report

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Parusa kay Ayo gustong mapagaan pero...

MANILA, Philippines  — Sa kabila ng pag-endorso sa apela ni dating head coach Aldin Ayo, nananatili ang paninindigan ng University of Santo Tomas (UST) sa resulta ng imbestigasyon nito sa Sorsogon bubble na isinumite sa UAAP.

Ayon sa ilang ulat, hindi nagbago ang posisyon ng UST sa report na ibinigay nito sa UAAP Board of Managing Directors.

Ang Board of Managing Directors ang bumusisi sa resulta ng imbestigasyon ng UST na siyang pinagbatayan ng board para irekomenda ang indefinite ban kay Ayo.

Pinagtibay naman ng UAAP Board of Trustees ang rekomendasyon ng Board of Managing Directors para tuluyang patawan ng indefinite ban ang dating UST head coach.

Nananalig si Ayo na makatutulong sa kanyang apela ang inilabas na ulat ng Philippine National Police Sorsogon na nag-aabsuwelto sa kanya sa anumang quarantine violations.

Sinabi ng isang source na nilinaw ng UST na inendorso nito ang apela ni Ayo sa UAAP Board of Managing Directors upang mas mapagaan ang parusang ibinigay sa kanya.

Walang kinalaman sa endorsement ng UST ang inilabas na report ng PNP Sorsogon.

Nauna nang nagbitiw sa puwesto bilang head coach si Ayo sa kasagsagan ng imbestigasyon noong Setyembre.

Tatalakayin pa ng UAAP Board of Managing Directors ang inendorsong apela ng UST.

Pag-aaralan ng Board of Managing Directors kung ibababa nito ang parusa sa suspensiyon o anumang mas magaan na sanction o kaya naman ay mananatili ang nauna nang indefinite ban na ipinataw nito.

vuukle comment

UST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with