^

PSN Palaro

Pagulayan kampeon sa Illinois

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pagulayan kampeon sa Illinois
Dennis Orcollo
STAR/ File

MANILA, Philippines  — Muling inilabas ni da­ting world champion Alex “The Lion” Pagulayan ang matatalim na pangil nito upang pagharian ang 10-Ball at One Pocket events ng 2020 Aramith/Simonis Pro Classic Championship sa West Peoria, Illinois.

Naitakas ni Pagulayan ang gitgitang 14-13 pa­nalo laban sa kababayan nitong si Dennis Orcollo sa championship round upang makuha ang korona sa 10-Ball event.

Mainit ang simula ni Orcollo nang gamitin nito ang malalim na karanasan para itarak ang 6-2 bentahe.

Subalit hindi agad na­walan ng pag-asa si Pagulayan na unti-unti nakabalik sa porma para kunin ang walong sunud-sunod na racks at maagaw ang kalamangan sa 8-6.

Nagtabla ang iskor sa 10-all at 13-all bago tulu­yang makuha ni Pagulayan ang panalo.

Nakapasok si Pagula­yan sa finals matapos igupo sina Robb Saez, Josh Ro­berts at Tony Chohan.

Muling umariba si Pagulayan sa One Pocket event.

Naiselyo nina Pagula­yan at Orcollo ang all-Filipino finale.

Nadala ni Pagulayan ang magandang momento nito nang mabilis na dispatsahin si Orcollo, 6-0 demolisyon sa championship round.

vuukle comment

DENNIS ORCOLLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with