^

PSN Palaro

Patakaran sa college training inilatag na

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Go signal hihintayin pa

MANILA, Philippines — Matinding patakaran ang ipatutupad sa nakatakdang pagbabalik-training ng mga collegiate teams.

Bumuo na ang Technical Working Group (TWG) ng mga panuntunan para mapahintulutang makapag-ensayo na ang mga varsity teams.

Ang TWG ay binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang collegiate leagues kabilang na ang UAAP at NCAA gayundin ng mga sangay ng gobyerno gaya ng Commission on Higher Education (CHED) at Phi­lippine Sports Commission (PSC).

Nakasaad sa draft na pahihintulutan lamang ang isang collegiate team na makapag-ensayo kung makukumpleto nito ang mga requirements na kailangan.

Kabilang na rito ang pagsasanay ng mga student-athletes sa loob ng kani-kanyang campuses na may dormitoryo para sa isang bubble setup.

Isusumite ang lahat ng pangalan ng mga student-athletes, coaches, team staff, school officials at iba pang personalidad na papasok sa bubble.

Tanging ang mga nasa bubble lang ang maaaring pumasok sa training venue at dormitoryo — walang outsider na maaaring makihalubilo.

vuukle comment

CHED

NCAA

PSC

TWG

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with