^

PSN Palaro

Manansala itinalagang interim coach ng UST

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Manansala itinalagang interim coach ng UST
Magugunitang nagbitiw din sa puwesto si Manansala kasama si coaching staff member McJour Luib matapos mag-resign si dating UST head coach Aldin Ayo dahil sa isyu sa “training bubble” sa Sorsogon.
PBA Images

MANILA, Philippines — Iniluklok ng University of Santo Tomas (UST) si dating assistant mentor Jinino Manansala bilang interim head coach ng men’s basketball team nito.

Masaya si Manansala dahil nananatili ang tiwala ng pamunuan ng unibersidad sa kanyang kakayahan.

Magugunitang nagbitiw din sa puwesto si Manansala kasama si coaching staff member McJour Luib matapos mag-resign si dating UST head coach Aldin Ayo dahil sa isyu sa “training bubble” sa Sorsogon.

Inilagay ng UST si Luib bilang mentor naman ng UST junior basketball team.

Malaking pasanin ito para kay Manansala matapos mawasak ang lineup ng Growling Tigers dahil sa paglisan ng walong miyembro nito.

Ngunit handa si Manansala na muling buuin ang nagkapira-pirasong UST men’s basketball team upang magbalik ang bangis nito sa mga susunod na edisyon ng UAAP.

Walang sama ng loob si Manansala sa mga players na nagdesisyong magtawid-bakod.

Sa halip, nais nitong maging matagumpay ang mga ito sa kanilang bagong tahanan.

“Focus kami ngayon sa rebuilding. We lost key pla­yers and we wish them well. Challenging ito sa team but we’re optimistic,” ani Manansala.

 Sa muling pagpasok nina Manansala at Luib sa UST, nawalan ng saysay ang listahan ng mga coaches na nauna nang nagpahayag ng interes sa head coaching job.

Kapuna-puna rin na interim lamang ang posisyon ni Manansala na sinabayan ng mga ulat na tinutulungan ng UST si Ayo sa apela nito sa UAAP.

Dahil sa mga kaganapan, usap-usapan na sa social media ang pagbabalik ni Ayo sa UST sakaling maalis ang indefinite ban nito.

vuukle comment

UST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with