^

PSN Palaro

UAAP ban ni Ayo mananatili — source

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
UAAP ban ni Ayo mananatili � source
Aldin Ayo

MANILA, Philippines — Mananatili ang ban ni dating University of Santo Tomas (UST) head coach Aldin Ayo sa anumang aktibidad ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Ito ang iginiit ng isang source sa kabila ng inilabas na report ng Philippine National Police-Sorsogon City na nag-aabsuwelto sa mga akusasyon patungkol sa “trai­ning bubble” ng Growling Tigers sa Sorsogon.

Ipinaliwanag ng source na nagdesisyon ang UAAP Board of Managing Directors (BDM) na sinang-ayunan ng Board of Trustees base sa report na inilahad ng UST.

Nakasaad sa rekomendasyon ng UAAP BDM na malinaw na may paglabag ang isinagawang “training bubble” ni Ayo dahil ipinagbabawal ang anumang paglabas maliban na lamang kung ito ay kasama sa tinatawag na “essentials.”

Ipinagbabawal din ang paglabas ng mga kabataang may edad na 21 pababa kung saan ilang miyembro ng Growling Tigers ay nasa naturang age range.

Kaya naman mananatili ang ban kay Ayo, ayon sa source.

Nauna nang inihayag ni Ayo na handa itong umapela sa UAAP upang bigyan ng rekonsiderasyon ang indefinite ban na ipinataw nito.

Lumutang noong nakaraang araw ang ulat ng PNP Sorsogon na may sertipikasyon ni Sorsogon governor  Chiz Escudero na nagpapatunay na walang nilabag na health protocols si Ayo.

Ayon sa report ng PNP Sorsogon, walang naganap na basketball training sa “Sorsogon bubble.”

Tanging mga agricultural activities lamang ang naganap sa farm na pag-aari ni Ayo.

Nakasaad pa na lahat ng galaw ng UST players sa Sorsogon ay naaayon sa ipinatutupad na pa­nuntunan ng Inter-Agency Task Force.

Maliban sa UAAP, hinihintay din ang desisyon ng Department of Justice at Department of Interior and Local Government (DILG) sa isyu.

Wala pa ring pormal na statement ang UAAP sa PNP Sorsogon report kaya’t mananatili ang indefinite ban ni Ayo.

vuukle comment

ALDIN AYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with