^

PSN Palaro

Pacquiao may patikim na agad!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao may patikim na agad!
Nag-post si Manny Pacquiao ng makahulugang larawan sa kanyang social media kasama si chief trainer Buboy Fernandez.

MANILA, Philippines — Nagpaparamdam na si eight-division world champion Manny Pacquiao sa posibleng pagbabalik nito sa ensayo para sa kanyang mega fight kontra kay Mixed Martial Arts superstart Conor McGregor.

Nabuhay ang dugo ng mga boxing fans nang mag-post ang reigning World Boxing Association (WBA) welterweight champion ng larawan sa kanyang social media account.

Nasa larawan si Pacquiao kasama si chief trai­ner Buboy Fernandez na tila hudyat na handa na itong bumalik sa pukpukang ensayo para paghandaan ang laban.

Kinumpirma na ng kampo ni Pacquiao na niluluto na ang pakikipagtuos nito kay McGregor.

Mismong si Pacquiao aide Jayke Joson na ang nagsiwalat na matutuloy ang Pacquiao-McGregor sa susunod na taon.

Target itong idaos sa Middle East.

Pumayag si Pacquiao na makaharap si McGregor dahil layunin nitong makatulong sa mga biktima ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Malaking bahagi ng kikitain ng Pinoy champion sa naturang laban ay ibabahagi nito sa mga COVID-19 victims.

Kaya naman posibleng naghahanda na si Pacquiao sa laban para masiguro na mabigyan nito ng magandang palabas ang mga manonood.

Sa katunayan, hindi naman tumigil sa ensayo si Pacquiao sa buong panahon ng quarantine period.

Madalas itong mag-post sa social media na sumasailalim sa regular na workouts na kadalasan kasama ang kanyang asawang si Jinkee at mga anak nito.

Sumalang pa sa heavy bag si Pacquiao nang dumating ito sa General Santos City.

Hindi nasilayan sa aksyon si Pacquiao sa taong ito. Target sana nito ang title defense noong Hulyo subalit naudlot ito dahil sa pandemya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with