^

PSN Palaro

Olympic hopefuls dapat nang maghanap ng sariling training venue

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nananatili pa ring sarado ang Rizal Memorial Sports Complex sa Manila City at ang Philsports Complex sa Pasig City dahil ginagamit ang mga ito bilang quarantine facilities para sa mga COVID-19 patients.

Kaya naman hindi pa rin ito nagagamit ng 19 National Sports Associations (NSAs) para sa kanilang mga atletang nagha­hangad ng tiket sa 2021 Oympic Games sa Tokyo, Japan.

Ayon kay Tokyo Olympics Chef De Mission Mariano “Nonong” Araneta ng football, dapat nang maghanap ang mga NSAs ng kani-kanilang training venue.

“Noong Friday nagsabi sila (Philippine Sports Commission) na changed of plans. Ang sa akin naman is that sana sabihin din ng duktor kung pupuwede o hindi. But nevertheless nag-meeting kami sa mga sports (NSAs) na kailangan ng venue at hanggang ngayon wala pa sila,” ani Araneta.

Ang mga NSAs na nakausap ni Araneta ay ang boxing, wrestling, taek­wondo at karate.

May 84 pang national athletes ang naghahangad na makakuha ng Olympic berth mula sa 19 sports.

Tanging sina pole vaulter Ernest John O­biena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno ang mayroon nang Olympic slot.

vuukle comment

COVID-19

OLYMPIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with