^

PSN Palaro

Tropang GIGA aariba sa Clark bubble

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ilalatag ng Talk ’N Text ang bagong moniker nito sa pagbabalik-aksyon ng PBA Season 45 Philippine Cup sa Oktubre 11 sa Clark, Pampanga.

Tatawagin na itong Tropang GIGA.

Galing ang salitang “giga” sa wikang Griyego na ang ibig sabihin ay “g­iant” o dambuhala.

Kaya naman magandang moniker ito upang patunayan na hindi basta-basta pagagapi ang Tropang GIGA na nagnanais masungkit ang korona ng Philippine Cup.

Huling nahawakan ng TNT ang Philippine Cup crown noong season 2012-2013.

“We don’t just go big, we always go GIGA. GIGA sa laro, GIGA sa samahan, GIGA sa saya, GIGA sa panalo,” ayon sa statement ng TNT management.

Ito ang ikalimang moniker ng prangkisa sapul nang gamitin nito ang TNT sa PBA.

Una nang ginamit ng TNT ang Phone Pals noong 2001 hanggang 2008 kasunod ang Tropang Texters noong 2008 hanggang 2016, Tropang TNT noong 2016 at TNT KaTropa noong 2016 hanggang 2020.

Bukod sa korona, nais ng TNT na makapagbigay ng saya sa mga Pinoy basketball fans na sabik na sa pagbabalik-aksyon ng liga matapos ang ilang buwan na pagkakatengga dahil sa COVID-19 pandemic.

“We want to promote our masaya and affordable TNT GIGA packs,” ayon pa sa statement.

Desidido ang Tropang GIGA na makapagbigay ng magandang laban sa pagpasok nito sa bubble.

Sa katunayan, sumailalim sa ilang linggong workout ang koponan sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna para masiguro na kundisyon ang lahat bago ang restart.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with