^

PSN Palaro

Dizon tiwalang matutuloy ang PBA restart

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Dizon tiwalang matutuloy ang PBA restart
BCDA president Vince Dizon
The STAR/Mong Pintolo, file

MANILA, Philippines — Mas lalong lumakas ang tsansang makakuha ng go signal ang PBA Season 45 Philippine Cup dahil sa suportang ibinibigay ni Bases Conversion and Development Authority president Vince Dizon.

Nakakuha ng kaakibat ang pamunuan ng PBA sa ngalan ni Dizon na isa sa mga “insider” sa Inter-Agency Task Force (IATF) na siyang magbibigay ng pinal na desisyon kung pahihintulutan ang PBA restart.

Ayon kay Dizon, magandang simula ang pagbabalik-aksyon ng PBA para sa tinatawag na “new normal.”

“What better symbol of trying to get back to the new normal than restarting the most important pastime in the Philippines which is basketball,” ani Dizon sa Sports Page program sa TV5.

Si Dizon ang deputy chief implementer ng National Action Plan against COVID-19 ng IATF.

Katuwang din ng PBA si Dizon sa pagbuo ng bubble setup sa Clark, Pampanga.

At tiwala si Dizon na kung magiging maayos ang lahat partikular na sa health protocols na pinaka-importanteng bahagi ng isang bubble, makakakuha ang PBA restart ng go signal mula sa IATF.

“Naniniwala kami kung in place ang protocols at masisigurado na talagang very safe ang ating gagawin tulad ng ginagawa sa NBA sa Disney World, tingin ko magiging open ang IATF at ang gobyerno para rito,” ani Dizon.

Sa katunayan, sasagutin ng Clark Development Corporation ang swab tes­ting ng lahat ng mga papasok sa bubble kabilang na ang players, coaches, officials at team staff, ayon kay Dizon.

Sisiguruhin din ni Dizon na maipatutupad ang mahigpit na patakaran sa PBA para magsilbing magandang halimbawa ito para sa iba pang nagnanais bumuo ng bubble setup sa kanilang training o tournament.

Magandang balita ito para sa PBA sa kabila ng pagtutol ng ilang miyembro ng IATF na pahintulutan ang contact sports gaya ng basketball.

vuukle comment

PBA

VINCE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with