^

PSN Palaro

FIBA Asia Cup Qualifiers hosting target ng Thailand

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hangad ng Thailand na makuha ang hosting rights sa FIBA Asia Cup Qualifiers na idaraos sa Nobyembre.

Ito ang inihayag ng team manager ng Indonesia sa isang panayam kung saan napag-alaman nito na nais ng Thailand na mag-host ng qualifers.

Isa ang Thailand sa mabilis na nakapagbukas ng ekonomiya dahil kontrolado nito ang coronavirus disease (COVID-19) sa kanilang bansa.

Subalit wala pang pormal na anunsiyo ang Thailand basketball association sa p­lanong ito maging ang FIBA Asia na siyang magbibigay ng pinal na desisyon.

“If the information I received is correct, it is likely that it is in Thailand where we will play (the FIBA Asia Cup Qualifiers). But it is not official yet,” ani Farez Tamrella, ang team ma­nager ng Indonesian men’s basketball team.

Inanunsiyo kamakailan ng FIBA na itutuloy na ang Asia Cup Qualifiers sa Nobyembre kung saan idaraos ito sa pamamagitan ng isang bubble setup.

Lahat ng mga players, coaches, officials at team staff ay ipapasok sa bubble na maihahalintulad sa NBA bubble setup.

Sasailalim din ang lahat ng papasok sa bubble sa swab testing para masiguro na walang sinumang may COVID-19 ang makakasama ang loob ng bubble.

Nasa Group A ang Pilipinas, Thailand, South Korea at Indonesia. Makakaharap ng Pilipinas ang SoKor at Thailand sa Nov.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with