Balik-ensayo ng mga Olympic hopefuls sa October
MANILA, Philippines — Kumpiyansa ang Philippine Olympic Committee (POC) na bibigyan ng ‘green light’ ng Inter-Agency Task Force (IATF) nag pagbabalik-ensayo ng mga atletang tumatarget ng tiket para sa 2021 Olympic Games.
Sa susunod na buwan ito inaasahang mangyayari ni POC president Abraham ‘Bambol’ Tolentino, ang kinatawan ng ika-8 distrito ng Cavite.
“Kapag nag-MGCQ (Modified General Community Quarantine) na baka tuluy-tuloy na ‘yung resumption ng training unless we can give a beter venue for that. Health and safety pa rin ang pinag-uusapan,” ani Tolentino kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) online Forum.
Nilinaw ng POC chief na ang kanyang inihahandang request sa IATF ay para lamang sa 19 National Sports Associations (NSAs) na may pag-sang makakuha ng Olympic berth.
Ilan sa mga Olympic hopefuls ay sina 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist Hidilyn Diaz (weightlifting), 2018 Asian Games gold medal winner Margielyn Didal (skateboarding), three-time Southeast Asian Games queen Kiyomi Watanabe, Fil-Am tracksters Kristina Knott at Eric Shaun Cray at pole vaulter Natalie Uy at ilang boxers at taekwondo jins.
Tanging sina pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno pa lamang ang mayroon nang Olympic slot.
Nahinto ang pag-eensayo ng mga atleta nang pumutok ang COVID-19 noong Marso at hanggang ngayon ay ipinagbabawal pa rin ito ng IATF.
- Latest