^

PSN Palaro

Codiñera, Tiu sa Perpetual Help?

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa paglisan ni dating head coach Frankie Lim, simula na rin ang University of Perpetual Help System Dalta sa paghanap ng bagong mentor na hahawak sa basketball program nito.

Lumutang ang pangalan nina dating PBA star Jerry Codiñera at Steve Tiu na parehong may malalim na karanasan sa coaching.

Hindi na bago si Codiñera sa collegiate basketball partikular na sa NCAA dahil dati nitong hinawakan ang programa ng Arellano University noong 2013 hanggang 2018.

Naging coach din ito ng University of the East sa UAAP noong 2011 hanggang 2012 gayundin ng Teletch Titans sa da­ting Philippine Basketball League (PBL) noong 2006.

Kasalukuyang head coach si Codiñera ng Nueva Ecija sa NBL.

Limang beses itong nagkampeon sa PBA.

Kasama ito sa 40 Greatest Players in PBA history at dalawang beses naging Best Player of the Conference.

Sa kabilang banda, may ningning din ang pa­ngalan ni Tiu.

Tinulungan ni Tiu ang Basilan-St. Clare na makuha ang titulo sa PBA D-League Foundation Cup noong nakaraang taon.

Dinala rin nito sa dalawang korona ang Jumbo Plastic sa PCBL.

Nilayasan ni Lim ang kampo ng Altas matapos putulin ang suweldo nito dahil sa financial problem ng Perpetual Help ma-nagement na epekto ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with