^

PSN Palaro

‘Double standard’ policy ng IATF sa sabong kinondena ng Gamefowl Breeders

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inakusahan ng International Federation of Gamefowl Breeders’ Association (FIGBA) ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa pagiging ‘malamig’ sa kanilang apela na ipagpatuloy ang sabong.

Ito ay sa gitna ng patuloy na paglaganap ng mga illegal online operations ng sabong.

“Lahat ng government agencies na nilapitan ng FIGBA para makonsidera ang aming proposal para sa pagbukas ng mga derby tulad ng NEDA, Games and Amusement Board, DILG at mga lokal na pamahalaan, ay palaging itinuturo ang IATF na siya lang umano ang puwedeng mag-aprub sa aming kahilingan,” wika ni FIGBA president Ricardo Palmares, Jr.

Binigyang-diin ni Palmares na sa petisyon ng FIGBA para sa muling pagbubukas ng mga sabungan ay nag­latag sila ng safety measures na sumusunod sa pinakamataas na standard ng health protocols ng IATF katulad ng ‘retrofitting at modular setting’ sa mga sabungan para sa physical distancing, wash at alcohol areas sa derby sites at mahigpit na pagsunod sa pagsusuot ng face mask at face shield.

Kinastigo naman ng local gamefowl breeders ang inilarawan nilang ‘sinadyang kapabayaan’ ng law enforcers para masugpo ang talamak na online sabong.

Sinabi ng grupo na kumikiling ang mga ito sa mga o­perators na pinahihina ang ‘survival’ ng gamefowl industry sa pag-aalok ng walang konsiderasyon at napakaliit na halaga para sa mga manok na panabong.

“Nagtataka kaming mga lehitimo at law-abiding breeders na naghihintay at sumusunod sa utos ng IATF kung bakit nakapikit ang kanilang mga mata sa laganap na illegal online sabong na araw-araw naglalaban nang walang pagkilala sa health protocols at walang ambag na buwis sa ating gobyerno,” wika ng isang opisyal ng ng local breeders sa Central Luzon na binatikos din ang kawalang aksyon ng National Bureau of Investigation at ng Philippine National Police para mapigilan ang natu­rang ilegal na gawain.

vuukle comment

IATF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with