^

PSN Palaro

Letran desididong bumuo ng dinastiya sa NCAA

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Letran desididong bumuo ng dinastiya sa NCAA
NCAA
STAR/ File

MANILA, Philippines — Hindi pa tapos ang Colegio de San Juan de Letran sa recruitment nito matapos kunin ang dalawang key players para higit pang palakasin ang tropa nito sa NCAA.

Desidido ang Knights na bumuo ng dinastiya matapos idagdag sa malalim nitong lineup sina Dilcer Gaviola ng University of San Jose-Recoletos at Lloyd Oliva ng University of Santo Tomas.

Nakuha ni Gaviola ang atensiyon ng Letran coaching staff sa 2019 CESAFI Partner’s Cup kung saan nagpasiklab ang 6-foot-1 cager para tulungan ang USJ-R.

Inaasahang uusbong naman ang 6-foot-5 na si Oliva sa pangangalaga ni Letran mentor Bonnie Tan bilang isa sa pinakamahuhusay sa NCAA.

Galing ito sa magandang programa ng Tiger Cubs.

Makakapaglaro na agad sa Season 96 sina Gaviola at Oliva kasama ang ilan pang rookies gaya nina high school standouts Jeff Mailim at Jimly Lantaya ng Nazareth School of National University at Yuki Kawamura ng University of Perpetual Help System Dalta.

Itinuturing na isa sa pinakamalakas na koponan ang reigning champion Letran sa NCAA dahil sa pagpasok ng ilang beteranong players mula University of Santo Tomas.

Lumipat sa kampo ng Knights sina Rhenz Abando, Brent Paraiso at Ira Bataller matapos masangkot sa Sorsogon bubble issue ang Growling Tigers.

Hindi lamang sina Abando, Paraiso at Bataller ang lumayas sa UST ma­ging ang ilang key players gaya ni UAAP Rookie of the Year Mark Nonoy at Deo Cuajao na nagtungo sa De La Salle University, at CJ Cansino na lumipat naman sa University of the Philippines.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with